Para sa araw na ito, Enero 6, 2020: Patnubay sa iyong kapalaran

ABS-CBN News

Posted at Jan 06 2020 12:10 PM

Alamin ang iyong kapalaran ngayong araw, sa tulong ni Master Hanz Cua. Screengrab

Ngayong araw ng Lunes, Enero 6, 2020, narito ang patnubay sa iyong kapalaran, sa tulong ng mga bituin, base sa taon ng iyong kapanganakan:

Year of the Rat 
Simulan ang linggo with positive vibes dahil nasa iyo ang happy star. May money star din sa east alas-3 ng hapon.
•Lucky Color: Orange
•Lucky Number: 2

Year of the Ox 
Ang mga problema ay malalagpasan mo rin. Focus lang sa ginagawa at ibigay ang best sa project.
•Lucky Color: Green
•Lucky Number: 12

Year of the Tiger 
Conflict day today. Pag-isipan nang maraming beses ang desisyon. Gawin at huwag manghinayang kung hindi ito makuha ngayon.
•Lucky Color: Blue 
•Lucky Number: 5

Year of the Rabbit 
Mag-research at alamin ang tunay na pagkatao niya. Baka hindi siya nagsasabi ng totoo.
•Lucky Color: Peach
•Lucky Number: 11

Year of the Dragon 
Mag-review nang maigi at humarap sa northeast habang nage-exam.
•Lucky Color: Pink
•Lucky Number: 6

Year of the Snake 
Money star ay nasa iyo. Kahit maraming beses na siyang umaayaw, ituloy lang ang paglalambing kay kliyente.
•Lucky Color: Violet 
•Lucky Number: 7

Year of the Horse 
Iwasan ang illness star. Inumin ang gamot sa tamang oras at maglagay ng isang basong asin sa tabi ng kama.
•Lucky Color: Silver
•Lucky Number: 3

Year of the Sheep 
Gawing sandata ang pamilya sa work para matapos ang project.
•Lucky Color: Gold
•Lucky Number: 4

Year of the Monkey
Ikaw ang pinakamasuwerte today. Gamitin ang araw na ito para makita ang potential sa mga client.
•Lucky Color: Brown
•Lucky Number: 15

Year of the Rooster 
Gossip star ay iwasan. Huwag pagtsismisan ang kapitbahay at mag-focus sa sariling pamilya.
•Lucky Color: Beige
•Lucky Number: 9

Year of the Dog 
Frustration star ay maiiwasan kung hindi ikukumpara ang sarili sa iba.
•Lucky Color: Maroon
•Lucky Number: 8

Year of the Pig 
Prayers pa rin ang gamitin para makatanggap ng blessing star.
•Lucky Color: Aqua
•Lucky Number: 1

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.