PANOORIN: Mga prediksyon, pangitain ng mga psychic ngayong 2020

ABS-CBN News

Posted at Jan 05 2020 08:05 PM | Updated as of Jan 05 2020 09:50 PM

Sa pagpasok ng taong 2020, nagbahagi ng kanilang mga prediksyon at pangitain sa taong ito ang mga psychic.

Si Jay Costura, ang tinaguriang "Nostradamus ng social media," may pangitain umano ng isang paparating na sakuna sa tubig sa isang bansa sa Asya.

Nagbabala rin siya sa mga kalamidad tulad ng lindol.

Ang visionary at tarot reader naman na si Madame Lette, sinabing may isang batang artistang mabubuntis ngayong taon.

Magiging maayos rin umano ang relasyon ni Vice Ganda at ni Ion Perez, ngunit hindi pa rin nila maiiwasan ang mga "basher".

Para naman sa feng shui expert na si Master Thomas Leang, maigi na maging maingat at handa ang mga tao para sa mga paparating na kalamidad o emergency.

Watch more in iWant or TFC.tv