Catriona Gray, nagdiwang ng kaarawan sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Jan 05 2020 02:15 PM | Updated as of Jan 05 2020 02:31 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Kasama ang mga batang tinutulungan niya sa Young Focus Organization, isang special birthday celebration ang ibingay ng "ASAP Natin To" para kay 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Dito, inawit ng Pinay Miss Universe ang kaniyang signature song na "We're In This Together" kasama ang kabataan ng Young Focus.

"Parang ito ang pinaka-memorable birthday ko, kasi kasama kayong lahat, kasama ko ang kayong Young Focus family ko, so maraming maraming salamat," tugon ni Catriona sa "ASAP" hosts.

Ibinahagi rin ng dating Miss Universe ang kaniyang birthday wish. 

"Being able to realize na 'yung kapwa tao they really need help, they really need an opportunity that so many of us have actually taken for granted. And we have a responsibility, each and every one of us dapat may compassion for each other, for our brothers and sisters," aniya. 

"You don't need to be a beauty queen, you don't need a title, you can make someone's life better. And that's my birthday wish sana that you will all inspired to do that this year," dagdag niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.