PatrolPH

Tagaytay City mananatiling bukas sa mga turista sa NCR, ibang rehiyon

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2022 06:14 PM

View sa Tagaytay Picnic Grove. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File
View sa Tagaytay Picnic Grove. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

MAYNILA — Mananatiling bukas sa mga turista ang Tagaytay City matapos iakyat sa COVID-19 Alert Level 3 ang Metro Manila dahil sa tumataas na mga kaso ng coronavirus sa rehiyon.

Ayon kay Jarryd Bello, head ng Tagaytay City tourism office, pwede pa rin pumasok sa kanilang siyudad ang mga taga-Metro Manila dahil nasa Alert Level 2 ang Cavite.

Pakiusap ni Bello sa mga awtoridad sa Metro Manila, higpitan ang pagmo-monitor at ang pagpapatupad ng minimum health protocols sa NCR.

Aniya, mahigpit ding nagpapatupad ng health protocols sa Tagaytay ang mga awtoridad sa siyudad.

"Tulungan naman po ito ng bawat cities eh," ani Bello. “If may I suggest, kung makakausap natin 'yung mga taga-Metro Manila, stay put. Sundin po natin ang ating guidelines.“

Nagkasundo kamakailan lang ang mga mayor sa Metro Manila na limitahan ang paglabas ng mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19, kasunod ng biglang pagdami ng mga nagkakasakit nitong nagdaang holiday season. 

— Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.