PatrolPH

PANOORIN: Mga ehersisyong kayang gawin sa loob nang 1 minuto

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2020 03:25 PM | Updated as of Jan 03 2020 04:38 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Isa sa pinakamadalas na pangako o New Year's resolution ang pagiging malusog. 

Pero dahil sa kawalan ng oras at budget, at pagkakaroon ng mahinang katawan, nawawalan ng gana ang ilan na ipagpatuloy ang kanilang workout routine. 

Ibinahagi sa programang "Good Vibes" ng cardiologist na si Dr. Nannette Rey at ng celebrity fitness coach na si Toni Saret ang serye ng mga workout routine na kayang gawin ng kahit sino sa loob nang 1 minuto - na kung tawagin ay "Fit Heart Minute." 

"Napapansin namin 'yong mga nag-e-exercise, walang problema at madaling i-encourage. Pero paano 'yong mga hindi regular na nag-e-exercise," ani Rey. 

"Either kasi very sedentary ka. Hindi ka active sa pag-exercise pero mayroon din 'yong mga malalaki... Na gustong mag-start pero hindi mo kayang makipagsabayan so what can we do for them?" ani Rey. 

 Narito ang ilang routine: 

PANOORIN: Mga ehersisyong kayang gawin sa loob nang 1 minuto 1

Workout 1

  • Umupo sa dulo ng inuupuang silya
  • Pagsalihin ang dalawang kamay na tila nagdadasal. Itapat ito sa dibdib. 
  • Tumayo at umupo. Ulit-ulitin ito sa loob nang isang minuto. 
PANOORIN: Mga ehersisyong kayang gawin sa loob nang 1 minuto 2

Workout 2

  •  Itaas ang dalawang bisig hanggang balikat.
  •  Ihakbang ang kaliwang paa pakaliwa at ibalik ito sa gitna. Gawin din ito sa kanang paa, pakanan. 
  •  I-spread ang mga bisig kada hakbang. 
  •  Gawin ito nang isang minuto. 

Hinihimok ng "Fit Heart Minute" ang unti-unting pagsisimula sa pag-e-ehersisyo, ayon kina Rey at Saret. 

"Hindi lahat ng Pilipino may oras. Sa loob nang isang minuto kaya niyong i-kickstart yung fitness journey niyo lalo na kung... ubos ang oras sa work-related stresses," ani Saret. 

Nakabubuti sa kalusugan ng puso ang pagsisimula ng nasabing routine, ayon kay Rey. 

"Pag (gusto ng) fat burning, kailangan bumilis ang heart rate mo so magbibilis ang metabolism mo doon. Kahit ganoon kasimple ang exercise mo mapapagod ka," ani Rey. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.