Duterte nag-sorry ukol sa rape joke

ABS-CBN News

Humingi ng tawad si presidential bet at Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa mga Pilipino, lalo na sa mga naapektuhan sa kanyang pahayag ukol sa isang dayuhang rape victim noong 1989.

Sa kanyang kampanya sa Quezon City noong Abril 12, naikwento ng alkalde ang kanyang reaksyon nang makita ang bangkay ng Australyanang biktima.

Anya, ""T***a, sayang niyo. Ang napasok sa isip ko, ni-rape nila. Pinagpilahan nila. Nagalit ako kasi ni-rape. Oo, isa rin yun. Napakaganda. Dapat ang mayor muna ang mauna."

Pero iginiit niyang hindi isang biro ang kanyang pahayag na kanyang binitiwan sa gitna ng kanyang galit noon.

Giit pa ni Duterte, hindi siya nababahalang matalo sa halalan dahil sa mga negatibong komento sa kanya.

"I am even willing to lose the presidency. Do not make me apologize for something which I did na talagang it was called for at the moment. It is a matter of honor, I will stick to my guns. I said it in the heat of anger," sabi nng PDP-Laban standard bearer.

"E pag sabi ko, gutter language iyan. Ganoon ang mga lalaki kapag nagsalita. Sorry kung hindi nagustuhan ng iba. It was a bad remark, it was a bad joke."

Hinamon din niya ang mga mamamahayag na balikan ang footage ng kanyang pahayag.

Una nang sinabi ng alkalde ng sinubukan niyang himukin ang mga hostage taker na palayain ang mga bihag at siya na lang ang i-hostage.

Nagtapos ang hostage drama sa pagkakapatay sa limang bihag at 16 bilanggo.

- Umagang Kay Ganda, 18 Abril 2016

KNOW THE WHOLE STORY