Mar, Leni barnstorm vote-rich Batangas

Jing CastaƱeda, ABS-CBN News

BATANGAS - Sinuyo nina Mar Roxas at Leni Robredo ng Liberal Party ang mga botante ng mga bayan ng Balayan, Lemery at Batangas City sa Batangas, isa sa top ten vote-rich provinces sa bansa.

Itinuturing ng kampo ni Vice President Jejomar Binay na balwarte ang Batangas dahil tubong-Bauan ang kanyang ama. Natalo si Roxas kay Binay sa probinsyang ito noong 2010.

Itinuturing na susi ni Robredo ang pagdami na ng mga nakakakilala sa kanya sa patuloy niyang pag-angat sa mga survey.

Mataas daw kasi ang kanyang conversion rate kaya ang kanilang stratehiya ay ang maipakilala siya sa mas marami pang mga tao sa pagdaan ng kampanya.

"Maraming nakaka-relate sa akin siguro dahil ang kuwento ko ay kuwento ng karaniwang kababaihan na dumaan sa kahirapan pero sa dulo ay may liwanag pa rin,'' ani Robredo.

''Siguro dahil tubong probinsiya din ako at matagal akong nagtrabaho kasama ang mga mahihirap... Nakaka-relate sila sa akin at nakaka-identify ako sa kanila."

Naniniwala rin si Robredo na nakatulong sa pagtaas ng kanyang rating ang kanyang malinaw na posisyon laban sa Martial Law.

Marami raw kasing mga magsasaka sa Naga at maging mga kaklase ng asawa niyang si Jesse Robredo na dinakip at nawala noong panahon ng Martial Law.

"Puwedeng oo kasi sa aming lahat, ako lang ang ganun... pero hindi ito personal kay Bongbong Marcos. Ang Martial Law kasi is something I feel strongly about... Iyung assassination ni Aquino ang political awakening ko,'' aniya.

''Pareho kami ni Jesse na dahil sa Edsa Revolution ay bumalik kami sa Naga para makatulong sa pagbabago... Very active kami kahit na hindi pa kami magkakilala noon. Ramdam ko ang halaga ng paghingi ng hustisya dahil sa nangyari noong Martial Law kaya hindi puwedeng after 30 years ay kakalimutan na lang."

Samantala, hindi naniniwala si Robredo na aabandonahin ni Albay Governor Joey Salceda ang kanilang tambalan ni Roxas. Sabi ni Robredo, noon pa man ay hayagan na si Salceda sa suporta para sa kanya.

KNOW THE WHOLE STORY

CANDIDATES