Fast Talk: Miriam on cancer, marijuana, her husband

ABS-CBN News

In the "Fast Talk" segment of Sunday's PiliPinas Debate, presidential bet Miriam Defensor-Santiago was asked about her illness, legalizing medical marijuana, and her husband's role in government if she is elected president.

Q: Natalo niyo na ba ng cancer?

A: Hindi ko masasabing natalo ko, pero nahinto ko. Kasi ang cancer, hindi mo makikita ‘yan sa naked eye. Kinakain niya mga katabi niya. Ngayon, kung tama ang gamot, mahihinto sila at mamamatay. Namatay na sila.

Q: ‘Yung sinasabi ninyong ‘magic pill,’ na inirekomenda sa inyo ng inyong kapatid, irerekomenda niyo din ba sa BFAD [Bureau of Food and Drugs] na magkaroon ng clinical trials dito sa Pilipinas?

A: Yes, if it passes the global clinical trial, definitely. I will even take steps to study whether government could subsidize this pill to those who cannot afford it.

Q: Naisip niyo na ba gumamit ng medical marijuana? 

A: Never.

Q: Gagawin niyo bang legal ang medical marijuana sa Pilipinas?

A: That is a sliding slope. I’d have to say no, but I am open to convincing myself that it can be effectively implemented only for those who are competent for it.

Q: Ano ang magiging papel ng inyong mister sa inyong administrasyon?

A: Dapat nandiyan siya sa bahay pag-uwi ko.

Q: Payag ba kayo na ipalibing ang bangkay ng dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng Mga Bayani?

A: Maganda siguro mag-referendum tayo. Kung ano ang sabi ng mayoriya, ‘yun ang sundan natin. Tama na ang bangaan natin.

Q: Mag-aaproba pa ba kayo ng mga bagong kontrata sa mga minahan?

A: Hindi, dahil sobra nang dami ng mga mining companies dito.

Q: Si dating Pangulong Gloria Arroyo ba ay papalayain niyo sa hospital arrest at ilipat sa house arrest.

A: Yes, definitely.

KNOW THE WHOLE STORY