Pagiging 'banta' ni Duterte, babala ng US na puwede siyang alisin: analyst

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2018 08:56 PM | Updated as of Oct 04 2018 12:52 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Maituturing na babala kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbilang sa kaniya ng U.S. intelligence community bilang banta sa seguridad ng Amerika, ayon sa isang political analyst.

Tingin ni Mon Casiple, executive director ng Institute for Political and Economic Reform, mistulang sinasabi ng U.S. intelligence community na puwedeng palitan daw si Duterte kung magpapatuloy ang pagtahak ng Pilipinas palayo sa Amerika at palapit sa Tsina.

"From a former colonizer ng Pilipinas, mabigat ang… that's a warning na if you are out of step, papalitan ka namin... open-ended 'yan, basta mapalitan ka, it may be impeachment, it may be extra-constitutional," paliwanag ni Casiple. 

Sinabi rin ni Sen. Antonio Trillanes IV, kilalang kritiko ni Duterte, na "warning shot" ang naturang report ng U.S. intelligence community.

Sa Worldwide Threat Assessment na isinumite sa U.S. Congress ng director of National Intelligence ng Amerika, tinukoy ang pagiging banta ni Duterte at ang kampanya ng kaniyang administrasyon laban sa droga, katiwalian at krimen, at mga pahayag niya tungkol sa pagsususpende ng Saligang Batas, pagtatatag ng isang revolutionary government, at pagdedeklara ng martial law sa buong bansa. 

Saad ng isang talata sa naturang dokumento: "In the Philippines, President Duterte will continue to wage his signature campaign against drugs, corruption, and crime. Duterte has suggested he could suspend the Constitution, declare a “revolutionary government,” and impose nationwide martial law. His declaration of martial law in Mindanao, responding to the ISIS-inspired siege of Marawi City, has been extended through the end of 2018."

Binanggit din sa dokumento ang puna ng Freedom House na ginagamit ng pamahalaan sa Pilipinas ang social media para ipakalat ang mga pananaw at kontrahin ang mga kritisismo sa internet.

"The number and sophistication of government efforts to shape domestic views of politics have increased dramatically in the past 10 years. In 2016, Freedom House identified 30 countries, including the Philippines, Turkey, and Venezuela, whose governments used social media to spread government views, to drive agendas, and to counter criticism of the government online." 

'NO AUTOCRAT'

Agad namang kinontra ng Malacañang ang report.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nananaig ang batas at nananatiling tapat ang pangulo sa Saligang Batas.

"The US intelligence community's assessment is myopic and speculative at best. For one, President Rodrigo Roa Duterte is no autocrat or has autocratic tendencies. He adheres to the rule of law and remains loyal to the Constitution," saad ng pahayag ni Roque.

Giit pa ni Roque, nananatiling malaya pa rin ang media na nakapaglalabas ng anumang balita, kahit pa aniya "fake news."

Nananatili ring bukas at nagtatrabaho ang Kongreso at mga Korte.

Pahayag ni Roque: "Our media are still able to broadcast and print what they want--'fake news' included. Our judiciary and the courts are functioning as usual. Our legislature remains independent and basic services are still being delivered."

Sabi rin ni Roque, ginagamit man ng pamahalaan ang social media para ipagmalaki ang mga nagawa, malaya rin ang oposisyon na magpahayag. 

"While it is true that the administration uses and maximizes social media to promote government messages and accomplishments, members of the political opposition and other cause-oriented groups use the same media platform to advance their agenda." 

Gayunman, sineseryoso ng Palasyo ang nilalaman ng dokumento ng U.S. intelligence, lalo pa at nagkaroon aniya ng kaso dati na napatunayang nanghimasok ang Amerika sa isang estado para mapaalis sa puwesto ang isang naihalal.

"We view this declaration from no less than the intelligence department of the United States with some concern, knowing that at least in one case the International Court of Justice has found the US guilty of interference in the affairs of a domestic state. They actually took steps to depose a legitimately elected government in the then-Sandanista government of Nicaragua," sabi ni Roque.

-- Ulat ni Willard Cheng, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.