Alex Gonzaga, ibinahagi ang halaga ni Piolo Pascual kanyang buhay pag-ibig

ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2019 03:25 PM | Updated as of Jan 01 2020 01:10 PM

MAYNILA -- Malaking bahagi ang aktor na si Piolo Pascual sa masayang buhay pag-ibig ni Alex Gonzaga.

Sa vlog ni Piolo kung saan kasama niya si Alex, naibahagi ng huli na si Piolo ang naging daan para makilala niya ang nobyong si Mikee Morada.
 
"Dati talaga wala siyang (Piolo) impact sa buhay ko. Kasi kay ate mayroon siya kasi ang ate ko sumikat siya, ang break niya, 'I love you, Piolo.' Tapos ngayon naman, nagka-love life ako because of you," kuwento ni Alex kay Piolo.

"Si Papa P talaga ang daan para maging maligaya ang puso ko... Alam niyo, si Papa P talaga ang reason kung bakit ako naging maligaya ngayon. Kaya kung ako sa inyo, maghanap din kayo ng Papa P na magpapakilala, kasi siya talaga ang daan," dagdag niya.

Sa vlog, sinabi pa ni Alex ang planong pagkuha niya kay Piolo bilang ninong sakaling mauwi sa kasalan ang relasyon nila ni Mikee.

"Kaya ngayon po, saksi kayong lahat na mga subscriber, kukunin ko siyang ninong sa kasal namin. Kasi di siya puwedeng maging best man o groomsman, makukuha ang attention kay Mikee, kawawa naman. Imagine-in mo katabi mo si Mikee," ani Alex.

Ayon naman kay Piolo, hindi niya ipapakilala si Mikee kung hindi siya sigurado rito.

"Siyempre hindi ko naman ipapakilala sa iyo kung hindi ako sigurado sa kanya," aniya.

Sa ngayon ay tatlong taon na ang relasyon nina Alex at Mikee.

Narito ang nakakatuwang kuwentuhan nina Piolo at Alex:

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.