Mga bagong tambalan, bigating concerts sa 2020

ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2019 08:00 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kasado na ang mga bigating pelikula tampok ang mga bagong tambalan at mga bigating concert para sa susunod na taon.

Kasama sa mga bagong tambalang mapapanood sa big screen ay sina Piolo Pascual at Alessandra de Rossi, na bibida sa pelikulang "Fluffy and Fream."

Ang nasabing pelikula rin ang directorial debut ni De Rossi.

Magtatambal din sina Coco Martin at Angelica Panganiban para sa romance film na "Love or Money."

May ikinakasa ring bagong pelikula para kay Judy Ann Santos, na kamakailan lang ay hinirang na best actress sa 2019 Metro Manila Film Festival para sa pelikulang "Mindanao."

Wala pang ibang detalye pero sinasabing isang biopic ang pagbibidahan ni Santos.

Inaasahang magbabalik-pelikula rin si Angel Locsin.

Bigatin din ang bubungad sa concert scene dahil sa pagsasanib-puwersa nina Regine Velasquez-Alcasid at Sarah Geronimo sa isang concert sa Pebrero.

May concert din sa Pebrero sina Pops Fernandez at Martin Nievera.

Bibisita rin sa bansa ang bigating international artists gaya ni Tony Hadley ng Spandau Ballet sa Pebrero.

Sa Marso naman magko-concert ang mga bandang Green Day, Jimmy Eat World, at Slipknot.

Sa Abril bibisita sa bansa si Khalid habang Mayo naman si Avril Lavigne.

Para sa K-pop lovers, magtatanghal sa bansa ang grupong Winner sa Enero at Seventeen sa Pebrero.

Pupunta rin sa Pilipinas ang actor na si Kim Myung Soo sa Enero. -- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.