Vice Ganda, nagpasalamat sa nanood ng 'Fantastica'

ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2018 06:35 PM

MAYNILA -- Labis na pasasalamat ang abot ng "Unkaboggable Star" na si Vice Ganda sa patuloy na suporta sa kanilang pelikulang "Fantastica" na kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.

"250 Million na palakpak ng pasasalamat para sa inyong lahat na pinakamamahal kong Madlang People!!!! Salamat at pinili nyong tumawa at maging masaya!!!! Deserve nating lahat ito!!! #Fantastica" pahayag ni Vice sa tweet niya noong Disyembre 28.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Team Vice (@teamviceph) on

Matatandaan na bago umarangkada sa mga sinehan ang mga pelikulang kalahok sa Film Festival, sinabi ni Vice na gusto niyang umabot sa P1 bilyon ang kita ng kaniyang pelikula kasama sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes.

Mapapanood ang mga "Fantastica" at iba pang pelikulang kalahok sa Film Festival hanggang unang linggo ng Enero, 2019.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.