PANOORIN: Morisette Amon, lumaban ng biritan kay Regine Velasquez

ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2018 09:31 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nagsama sa entablado ng "ASAP Natin 'To" sina Morissette Amon at Songbird Regine Velasquez.

Ilan sa kanilang kinanta ang mga sikat na awitin ni Mariah Carey gaya ng "My All" na unang inawit ni Morissette; "Never Too Far" naman ang inawit ni Regine.

Nagsabayan naman ng pagbirit sina Morissette at Regine sa awiting "Butterfly" na labis na nagapabilib sa studio audience.

Matatandan na isa si Morissette sa mga pangarap na maka-duet ni Regine nang magbalik siya bilang isang Kapamilya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.