'Inner peace', paghasa ng talento, new year's resolution ng ilang bituin sa 2019

ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2018 04:29 PM

Hindi nagpahuli ang mga celebrity sa nakagawian nang paglilista ng new year's resolution na maaaring mga planong baguhin sa sarili, mga pangarap na nais makamit, o kaya'y mga talentong nais pang hasain.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on

Ilang Kapamilya stars ang nagbahagi ng kanilang mga new year's resolution para sa taong 2019.

Si Edward Barber, bukod sa trabaho ay more time para sa family ang focus sa darating na 2019.

"Ako gusto ko patunayan sa pamilya ko na may oras pa naman ako sa kanila... Medyo hectic 'yung schedule minsan eh," ani Barber.

Ang ka-loveteam naman niyang si Maymay Entrata, mas maraming oras sa paghasa ng acting skills ang nais pagtuunan ng atensiyon.
 
"Marami po akong New Year's resolution like gusto ko i-enhance 'yung acting skills ko saka 'yung upcoming album, gusto ko sana talaga mas maganda boses namin... kaya magwo-workshop ako nang magwo-workshop saka alagaan 'yung craft na meron kami," giit ng aktres.

Looking forward naman ang Metro Manila Film Festival 2018 best supporting actress na si Aiko Melendez para sa darating na Bagong Taon. Ito naman ang kaniyang nais baguhin sa sarili:

"Sa dami hindi ko alam ano ang uunahin ko, pero siguro mas mababawasan ko ang aking pagiging worrier. Kasi I worry a lot so 'yun ang babawasan ko," ani Melendez.

Sa Instagram post naman ni Julia Barretto, "inner peace" ang hiling ng aktres sa pagpasok ng 2019.

"New year’s resolution: inner peace," maikling caption ng aktres sa ipinost larawan.

—Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.