MAYNILA — Dumulog ngayong Lunes sa National Bureau of Investigation ang ina ni Maine Mendoza para ireklamo ang isang malaswang video na kumakalat online, na iniuugnay sa aktres.
Nauna nang itinanggi ni Maine na siya ang nasa "scandal" pero aminadong kamukha niya ang babae.
Hiniling ni Mary Ann Mendoza sa NBI Anti-Cybercrime Division na tanggalin ang video online at i-trace kung sino ang nasa likod nito.
"Hindi siya makatarungan. Lumagay man kayo sa 'min bilang magulang, siguro mararamdaman niyo 'yong sakit na nararamdaman naming pamilya niya," ani Mary Ann.
Naging emosyonal ang ina ni Maine Mendoza nang maghain ng reklamo sa National Bureau of Investigation nitong Disyembre 28, 2020 kaugnay ng video scandal na iniuugnay sa aktres. Zyann Ambrosio, ABS-CBN News
Sa ngayon, tine-trace na umano ng NBI kung sino ang nasa likod ng video.
Sakaling mapatunayang may malicious intent, maaaring makasuhan ang tao ng paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.
Ayon naman sa manager ni Maine na si Rams David, okay ang aktres ngayon dahil kumpiyansa itong hindi ito ang nasa video.
— Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News
Related video:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, Maine Mendoza, National Bureau of Investigation, scandal, Maine Mendoza scandal, deepfake,