Barretto feud, ‘ghosting’ at iba pang eskandalo sa showbiz sa 2019

Mario Dumaual, ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2019 06:55 PM | Updated as of Dec 28 2019 09:36 PM

MAYNILA—Walang duda na taon ng eskandalo ang 2019 para sa mga artista at kanilang mga tagahanga.

Una sa listahan ng showbiz headlines ngayong taon ang sagupaan ng Barretto sisters na sina Gretchen, Claudine, at Marjorie, kasama pa ang ilang miyembro ng pamilya.

Nagkapisikalan pa ang mga ito sa lamay ng kanilang padre de pamilya at sa harap mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"Ghosting" naman ang top trending showbiz term dahil sa rebelasyon ni Bea Alonzo na bigla na lang siyang hindi kinausap ng dating nobyong si Gerald Anderson.

Lalo pang umapoy sa galit si Alonzo nang makita sa social media ang umano'y "sweet moments" nina Anderson at aktres na si Julia Barretto.

Hindi naman malilimutan ang paglisan ng mga icon sa showbiz tulad nina Eddie Garcia, Amalia Fuentes, Armida Siguion Reyna, Tony Mabesa, Pepe Smith, at komedyanteng si Chokoleit​.

Patuloy rin ang pag-usbong ng digital movies at serye nitong 2019 sa pangunguna ng i-Want.
 
Gumawa din ng bagong box office history sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa "Hello, Love, Goodbye" na kumita nang mahigit P800 milyon.

Ipinasa naman ni Liza Soberano ang bato ni "Darna" sa baguhang artista na si Jane de Leon. 
 
Kinilig naman ang sambayanan sa engagement nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli at nina Angel Locsin at Neil Arce.

Big news din ang announcement ni Anne Curtis ng kaniyang pagbubuntis. Looking forward ang lahat sa pagsilang ng kaniyang baby girl sa Pebrero 2020.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.