'TNT All-Star Grand Resbak' champ Mark Michael Garcia, di pa rin makapaniwala sa tagumpay

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2019 11:45 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Hindi pa rin makapaniwala si Mark Michael Garcia na siya ang itinanghal na grand champion ng "TNT All-Star Grand Resbak."

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Biyernes, ibinahagi ni Mark Michael na hindi naging madali para sa kanya at maging sa kanyang mga nakalaban ang pinagdaanang kompetisyon.

"Actually hanggang ngayon ay medyo hindi pa rin po ako makapaniwala dahil noong time kasi nung lumalaban kami, lahat kami ay nagkakasakit. Then after nung ano, nung last na tapatan namin talaga ay lumalala siya nang lumalala talaga," aniya.

"So sabi ko, si Lord na lang ang bahala. Ibibigay ko sa kanya lahat. At siyempre 'yung mga supporters ko, maraming, maraming salamat sa inyong lahat. Thank you very much," dagdag niya.

Matapos magwagi, ibinahagi rin ni Mark Michael na muli siyang magiging abala sa kanyang mga gig.

"May mga gig pa rin ako. Actually may mga gig ako na hindi ako makakatugtog, sabi ko next week babalik ako. Marami na rin po kasi ang nag-aabang kung kailan ako babalik. So abangan niyo po ako sa mga gig, mag-a-update po ako sa inyo," aniya.

Maliban sa isang recording contract, nag-uwi rin si Mark Michael ng P300,000 nang magwagi siya sa "TNT All-Star Grand Resbak" nito lamang Sabado.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.