PatrolPH

PANOORIN: Netizens, celebs na kumasa sa 'Tala' dance challenge

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2019 08:28 PM | Updated as of Dec 27 2019 10:38 PM


MAYNILA — Sa pagdiriwang ng Pasko ngayong 2019, iisang "tala" lang ang nagningning sa iba't ibang pagdiriwang: ito ang 2016 hit song ni Sarah Geronimo na "Tala."

Sa bawat Christmas parties kasi, hindi mawawala ang performance at dance covers ng Tala. 

Nagkaroon ng interes ang netizens sa awitin matapos mag-viral sa social media ang komprontasyon ni Aling Nelia at mga kabataang pinaaalis niya sa isang plaza.

Bilang protesta, nagmatigas ang mga kabataan at sinayawan si Aling Nelia ng Tala.

Matapos nito, bumuhos na ang Tala dance covers, at maging celebrities ay pumatol din sa tinaguriang Tala dance challenge.

Panoorin dito ang mga artista at netizens na kumasa sa viral challenge:

Watch more on iWantTFC

—Ulat ni Marc Logan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.