PatrolPH

Anne Curtis, handang gumawa ng pelikula kasama sina Bea, Angel, Angelica

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2019 12:36 PM

MAYNILA -- Game na game ang aktres na si Anne Curtis na gumawa ng proyekto kasama ang kanyang mga kaibigang sina Bea Alonzo, Angelica Panganiban, at Angel Locsin.

Sa video na inilabas ng Star Cinema kung saan sumabak si Anne sa "Go or No" challenge, hindi nagdalawang-isip ang aktres sa pagsagot ng "go" sa tanong kung payag ba siyang gumawa ng pelikula kasama ang kanyang mga "mars" o kumareng sina Bea, Angelica, at Angel. 

"Go, go, go, go, go!" aniya.

Watch more News on iWantTFC

Maliban sa pelikula na kasama ang kanyang mga kaibigan, "go" rin ang naging sagot ni Anne sa tanong kung payag ba siyang gumawa ng remake ng isang pelikula na pinagbidahan ng idolo niyang si Audrey Hepburn.

Si Anne ay bida ng pelikulang "M&M: The Mall, The Merrier" kasama ang kanyang "It's Showtime" co-host na si Vice Ganda.

Palabas na sa mga sinehan ang "M&M: The Mall, The Merrier," kasama ang iba pang entries ng Metro Manila Film Festival. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.