KILALANIN: Mga tambalang nagpakilig sa 2017

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2017 09:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ilang bago at nagbalik na tambalan ng mga sikat ang nagpakilig sa madla ngayong 2017.

Hindi maikakailang matagumpay na taon ito para kina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Patunay rito ang pagbida nila sa dalawang patok na pelikulang "Unexpectedly Yours" at "Love You to the Stars and Back."

"Gusto ko magpasalamat unang-una siyempre doon sa supporters namin, sa mga fans namin," ani Garcia.

Hindi naman inaasahan ang tambalan nina Empoy at Alessandra De Rossi mula sa pelikulang "Kita Kita."

Agad umusbong ang karera ng dalawa matapos kumita ang "Kita Kita" ng P320 milyon.

Mula naman sa Bahay ni Kuya sa "Pinoy Big Brother," nagbunga ang tambalan nina Edward Barber at Maymay Entrata.

Nasalang sila agad sa pelikulang "Loving in Tandem" at ilang patalastas sa telebisyon.

Bilang pasasalamat, nag-donate ng learning center ang dalawa sa isang barangay sa Quezon City.

"Sa lahat ng year, ito 'yong pinakamabilis ... pinakamaraming na-experience, pinakamaraming natutunan," ani Entrata.

Mayroon din namang mga tambalan na inabot ng taon ang pag-aabang ng mga tagahanga.

Isa na rito ang "ShaBin" nina Megastar Sharon Cuneta at Robin Padilla, sa kanilang pagbabalik pelikula sa "Unexpectedly Yours."

Hindi rin naman nagpahuli sina Richard Gutierrez at Angel Locsin na nagsama muli bilang bampira at lobo sa teleseryeng "La Luna Sangre."

-- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.