Mga kalahok sa MMFF puspusan ang pag-promote ng kanilang mga film

ABS-CBN News

Posted at Dec 26 2019 07:36 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Sa pag-aarangkada ng Metro Manila Film Festival simula Miyerkoles, puspusan ang paglilibot ng mga bumibida sa film festival entries para ma-promote ang kanilang mga pelikula. 

Kabilang sa naglibot ang Kapamilya stars na sina Vice Ganda at Coco Martin. 

Malakas din ang Miracle in Cell No. 7 nina Aga Muhlach at Bella Padilla. 

Inaasahang mas hahataw pa sa long weekend at pagkatapos ng awards night ang iba pang entries gaya ng "Write About Love", "Sunod", "Mission Unstapabol" at "Mindanao". 

At sa kabila ng maagang tagumpay ng pelikulang "3Pol Trobol: Huli Ka Balbon" ni Martin, may mensahe ang aktor sa lahat ng manonood. 

"Sana po panoorin natin lahat ng pelikula, magaganda lahat, ayan kinikilabutan ako, masaya ako na magaganda ang mga pelikulang kasama namin sa festival," ani Martin. 

Idinaing naman ng mga producer ng pelikulang "Culion" na huwag nang bawasan ang bilang ng mga sinehan matapos silang tanggalan ng 24 sinehan ngayong Miyerkoles. 

Wala pang inilalabas na official gross receipts at ranking ng walong pelilkulang kalahok sa takilya ng Metro Manila Film Festival. 

Ayon kay Noel Ferrer, pansamantalang nagsara ang ilang cinema sa Visayas at Mindanao. 

Gayunman, maikukumpara naman daw sa opening noong nakaraang taon ang MMFF gross noong Miyerkoles, unang araw ng film festival. 

"Despite the typhoon and the closing of some malls and cinemas in Visayas and Mindanao, our first day MMFF gross this year is comparable to last year's successful opening," ani Noel Ferrer. -- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.