Iza Calzado, masaya sa mga nagsasabing may laban siya sa MMFF Best Actress award

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Dec 26 2019 06:28 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Bahagi ng kanilang promotion para sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na "Culion," nakipag-bonding sa isang mall show sa Alabang ang cast ng pelikula na pinangunahan ni Iza Calzado.

Sa backstage, nagpaunlak ng interview si Iza at nagbigay-reaksiyon sa mga hula na kay Judy Ann Santos ibibigay ang MMFF Best Actress award sa Gabi ng Parangal ng festival.

May mga nagsasabi rin na malakas ang laban ni Iza sa kanyang pelikula kaya dito nagbigay siya ng reaksiyon.

"Happy na ako na may laban ako. 'Yung masabi mo sa akin na may laban ako, kahit papaano, kahit kaunti, okay na ako roon. Please guys, she (Santos) won in Cairo. I really put her on a pedestal. That's why ang hirap, ano?" aniya.

Aminado si Iza na malaking bagay ang magkaroon ng pagkilala ang isang aktor sa mga proyektong ginagawa.

"It would be very hypocritical of me to say that an award doesn't matter. It does because it motivates you. It's like a prize, di ba? Parang when you do good in school," aniya.

Sa personal na buhay, tatakas si Iza sa kanyang busy schedule para makasama ang mister na si Ben Wintle.

"Magkasama kami, meron naman talagang paraan. Hindi lang talaga kami magkasama noong anniversary namin," aniya.

Showing na ngayon ang "Culion" at wish nina Iza na marami ang manood ng kanilang pelikula at mas dumami ang sinehan kung saan ito ipinapalabas.