MAYNILA - Pila ang inabot ng mga sinehan ngayong Miyerkoles, sa pagsisimula ng Metro Manila Film Festival (MMFF).
Bandang hapon nagsimula ang pila, na kinabibilangan ng mga magkakabarkada at pamilyang piniling mag-Paskong manood ng mga MMFF films.
Sinorpresa ng mga bida ng "The Mall The Merrier" ang ilang sinehan.
Ikinatuwa naman ng bidang si Vice Ganda ang mga naging reaksiyon sa kaniyang pelikula.
"Nakakatuwa kasi bawat eksena, iba iba yung hagikghik, may eksena na mga bata 'yung tumatawa, may eksena na matatanda naman, iba iba 'yung market ng jokes ngayon," ani Vice Ganda.
Umikot din sa mga sinehan ang cast ng "3Pol Trobol" na binibidahan ni Coco Martin.
Nag-ikot din ang cast ng "Culion," maging ang cast ng "Write About Love."
Nagkaroon naman ng aberya ang showing ng "Mindanao" sa isang sinehan sa Quezon City pero tuloy anila ang screening sa ibang lugar.
Idinaan naman sa social media ang pag-promote ni "Miracle in Cell No. 7" star Bela Padilla.
Magtatagal hanggang Enero 7, 2020 ang showing ng mga pelikula ng MMFF. -- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, TV Patrol, TV Patrol Top, pila, MMFF, line, Metro Manila Film Festival, Vice Ganda, The Mall The Merrier, Write About Love, Mindanao, Miracle in Cell No. 7