PatrolPH

'Puwede!': Kuya Jobert gumawa ng halo-halo gamit ang nyebe

ABS-CBN News

Posted at Dec 24 2019 06:09 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Ngayong Pasko, "halo-halo with a twist" ang handa ng vlogger at actor na si Jobert Austria o mas kilala bilang Kuya Jobert

Imbes kasi na shaved ice, niyebe o snow ang ipinangyelo niya sa ihinandang halo-halo sa kaniyang vlog na inilabas noong Miyerkoles ng nakaraang linggo.

Makikita siyang naghahakot ng mga sangkap tulad ng prutas, gatas, at iba pa.

"Hmmm, puwede," ani Jobert nang matikman na ang kaniyang kakaibang halo-halo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.