Pasko ni Mayor Isko, espesyal ngayong taon

ABS-CBN News

Posted at Dec 23 2019 03:37 PM

Coco Martin nakipag-meeting kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa Manila City Hall. George Calvelo, ABS-CBN News

MAYNILA -- Bukod sa kaniyang unang Pasko bilang mayor ng Maynila, espesyal rin para kay Isko Moreno ang darating na Disyembre 25 dahil sa kanyang pagbabalik-pelikula kasama si Coco Martin sa "3pol Dobol, Huli Ka Balbon."

Kasama rin sa Metro Manila Film Festival entry sina Ai Ai Delas Alas at Jennylyn Mercado.

"Siyempre ipinagpapasalamat ko sa Diyos kasi kung nasaan man ako ngayon, kung ano man ang katayuan ko, malaking bahagi noon siyempre katuwang ang Diyos," ani Mayor Isko sa naging panayam.

"You know what happened to me, I considered it as divine intervention," aniya. "I came from nothing, from the gutter of society."

At dahil espesyal ang taon para kay Mayor Isko, tuloy pa rin ang kanyang pagtulong lalo na sa mga batang nangangailangan.

"I cannot return those to God directly, so in my own little way, if I can give back, I will," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.