Anne Curtis magpapaalam muna sa 'Showtime' para tutukan ang pagiging ina

ABS-CBN News

Posted at Dec 23 2019 08:30 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Emosyonal na nagpaalam muna ang "It's Showtime" host na si Anne Curtis-Smith sa noontime show para tutukan ang pagiging ina sa soon-to-be born na sanggol na babae. 

Naghandog ng song ensemble si Curtis-Smith, na inanunsiyo kamakailan ang kaniyang pagbubuntis sa ikalimang buwan sa magiging anak nila ng asawang si Erwan Heussaff.

"Alam mo sabi ko nga napaka-bittersweet ng episode na 'to kasi syempre sabi ko imagine 10 years tapos everyday ginagawa ko 'to," ani Curtis. 

Sa 10 taong pag-host sa "It's Showtime," kinilala ng aktres ang naging parte ng noontime show ng kaniyang buhay. 

"Its become a big part of my life and you guys are my family na din. Pero siyempre new chapter at siyempre kailangan din mag-concentrate kay baby," ani Curtis. 

Ikinuwento rin ni Curtis-Smith ang naging masasayang alaala niya sa pag-host. 

"I'm so happy I get to share it with you guys kasi sabi ko nga transitioning from single, nagka-boyfriend, nagkaasawa tapos ngayon as a mom it all happened on Showtime," ani Curtis-Smith. 

Naging emosyonal din ang "It's Showtime" family ni Curtis-Smith sa magiging pagliban nito. 

"Kasi siyempre dumating 'to sa buhay na 'shinare' niya. 'Sinicret' namin, happy ako siyempre, you’re a mom now... Enjoy your baby," ani "It's Showtime" director Bobet Vidanes. 

Magandang kalusugan naman ang hiling ni Vice Ganda para sa matalik na kaibigan. 

"I am very sure that the baby is gonna be perfect kaya ang simpleng pinagdadasal 'yung pinakanormal at simpleng panganganak, I don't want you to get hurt while giving birth," aniya. 

Nagkuwento rin si Curtis-Smith na naglilihi siya sa mangga at ramdam na niya ang sipa ng kaniyang anak. 

"Ewan ko lang kung napansin niyo tuwing 'kaparewho' kinakain ko lahat ng manggang hilaw, pero ewan ko lihi ba 'yun pag gusto mo kasama asawa mo? Bigla ako naging clingy kay Erwan," aniya. -- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.