Aga Muhlach, dinumog sa Parade of Stars ng 2019 MMFF

ABS-CBN News

Posted at Dec 23 2019 04:12 PM | Updated as of Dec 23 2019 06:43 PM

Nakisaya si Aga Muhlach at iba pang bituin ng "Miracle In Cell No. 7" sa Parada ng Bituin ng 2019 Metro Manila Film Festival nitong Linggo. Michael Bagtas, ABS-CBN News

MAYNILA -- Hindi maipaliwanag ng aktor na si Aga Muhlach ang kaniyang naramdaman sa naging Parada ng Bituin ng 2019 Metro Manila Film Festival nitong Linggo.

Isa ang pelikula ni Aga na "Miracle In Cell No. 7" sa mga entry ngayong taon na mapapanood na sa Pasko.

"Ngayon lang ako ulit nakasakay and I feel overwhelmed and I had so much fun with my whole family. I brought them with me and nag-enjoy silang lahat," sabi ng aktor sa panayam.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Agamuhlach317 (@agamuhlach317) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Charlene Gonzalez-Muhlach (@itsmecharleneg) on

Matatandaan na 26 na taon na ang nakaraan nang huling sumali sa MMFF si Aga noong 1993 para sa pelikulang "May Minamahal" kasama si Aiko Melendez.

Kaya naman, aminado rin si Aga na hindi niya mailarawan ang mga positibong review na kaniyang natatanggap para sa "Miracle In Cell No. 7."

"Masayang masaya talaga ako. Alam ko kasi talagang inayos namin ang pelikula namin and I made sure na bago ako makasali ng festival ay talagang pinaganda talaga namin ang pelikula," pahayag ng aktor.

Mapapanood ang "Miracle In Cell No. 7" at iba pang pelikula na kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival ngayong December 25.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.