Sa kabila ng aberya, Coco Martin itinuloy ang parada

ABS-CBN News

Posted at Dec 23 2018 05:53 PM | Updated as of Dec 23 2018 06:24 PM

MAYNILA -- Nagkaroon man nang aberya sa mga float, tuloy pa rin si Coco Martin at iba pang mga bida ng 2018 Metro Manila Film Festival movie na "Jak Em Popoy: The Puliscredibles" sa kanilang parada sa Paranaque.

Kasunod ito ng pagkakabalahaw sa putikan ng kanilang sasakyan na nagdulot ng matinding delay sa parada.

Gamit ang kanyang sariling sasakyan, sinuyod ni Coco ang kahabaan ng Dr. Santos Avenue para makawayan ang mga tagahanga na matiyagang naghintay sa kanila sa gitna ng malakas na buhos ng ulan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

Bukod sa kanyang sariling sasakyan, to the rescue rin ang Philipine National Police na ipinagamit pa ang kanilang trak para makasakay ang iba pang mga kasamahan ni Coco sa pelikula kabilang na si MAine Mendoza at Vic Sotto.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

Sa darating na Pasko, mapapanood ang "Jak Em Popoy: The Puliscredibles" at iba pang mga pelikula na kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.