Raymart Santiago, bukas sa muling pagsabak sa action roles

ABS-CBN News

Posted at Dec 23 2018 07:18 PM | Updated as of Dec 23 2018 11:07 PM

MAYNILA -- Puspusan na ang paghahanda ng aktor na si Raymart Santiago para sa kanyang nalalapit na pagbabalik-telebisyon sa 2019.

Isa si Raymart sa makakasama ni Judy Ann Santos sa sisimulang Kapamilya series na "Starla" na inaasahan na mapapanood sa unang bahagi ng susunod na taon.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Magkababata kami dito ni Juday hanggang umalis siya sa barrio namin at nakapunta sa Manila, nakapag-aral ng Law at ako naman naging doktor to the barrio so magkakaroon ng conflict sa aming dalawa," ani Raymart.

Aminado naman ang aktor na mas seryoso ang kanyang karakter sa bagong proyekto.

"Well sa kabila din naman may mga serious roles ako. Ang medyo natagalan ako gawin 'yung action," sabi pa niya.

Dahil minsang nalinya sa action roles, hindi naman isinasara ni Raymart ang posibilidad na pagbalik sa action roles.

"Wala pa naman pag-uusap. Right now focus muna ako sa paparating. Kung meron naman, why not?" pahayag ni Raymart.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.