Fans, dinumog ang float ng MMFF entry na 'Fantastica'

ABS-CBN News

Posted at Dec 23 2018 08:34 PM

MAYNILA -- Hindi napigilan ng malakas na ulan ang "Unkaboggable Star" na si Vice Ganda sa pagbibigay saya sa parada ng 2018 Metro Manila Film Festival sa Paranaque nitong Linggo.

Suot ang kapote, game na game na nakipagkawayan si Vice kasama ang iba pang mga bida ng "Fantastica" kabilang sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Team Vice (@teamviceph) on

Hindi naman nabigo ang mga taga-Paranaque na kahit basang basa na sa ulan ay matiyagang inabangan ang kanilang pagdating.

Sa Instagram story ng Team Vice PH, hindi naubusan ng mga ngiti ang buong cast ng pelikula na kanilang sukli sa kanilang mga tagahanga.

Watch more in iWant or TFC.tv
Watch more in iWant or TFC.tv

Sa darating na Pasko, mapapanood ang "Fantastica" at iba pang pelikula na kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.