PANOORIN: Regine, Sarah G sumayaw ng 'Tala' sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Dec 22 2019 02:20 PM | Updated as of Dec 22 2019 02:26 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA - Sa tila pagpapatikim sa kanilang upcoming concert, panandaliang isinayaw nina Regine Velasquez at ni Sarah Geronimo ang dance hit na "Tala" sa "ASAP Natin 'To." 

Nag-viral kamakailan ang 2016 hit ni Geronimo nang sayawin ng ilang volleyball player sa isang court sa Maynila ang tugtugin bilang "protesta" sa pagpapaalis sa kanila ng isang "Aling Nelia." 

Nagpasalamat si Geronimo sa grupong G Force sa pagbabalangkas ng choreography ng dance hit. 

Magsasanib-puwersa ang dalawang bigating singer sa concert na pinamagatang "Unified" sa Araneta Coliseum sa Pebrero 14 at 15, 2020. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.