OPM Christmas classics tampok sa engrandeng 'ASAP' number

ABS-CBN News

Posted at Dec 22 2019 01:56 PM | Updated as of Dec 22 2019 02:10 PM

MANILA - Tatlong araw bago ang Pasko, ipinaramdam ng Kapamilya stars ang holiday spirit sa isang engrandeng number sa pagbubukas ng "ASAP Natin 'To" ngayong Linggo. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Inawit ng Kapamilya stars ang ilan sa mga popular na Pinoy hits tuwing Pasko gaya ng "Pasko Na Naman," ng Alpha All Star, "Sa Paskong Darating" ni Celeste Legaspi, "Kampana Ng Simbahan" ni Leo Valdez, at iba pa. 

Bigatin ang naging production number, na nilahukan nina Vice Ganda, Sarah Geronimo, Regine Velasquez, Jona, Eric Santos, Kuh Ledesma, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, at Gary Valenciano. 

Kasama nila ang Advent Euphonic Chorale sa pag-awit. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.