Nobya ni Hashtag Franco, nakatanggap ng suporta mula kay Maine Mendoza

ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2017 01:07 PM

MANILA -- Nakatanggap ng suporta si Janica Nam Floresca, nobya ng yumaong miyembro ng Hashtags na si Franco Hernandez, mula kay Maine Mendoza.
 
Sa kanyang Instagram Story nitong Miyerkoles ng gabi, ibinahagi ni Nam ang isang direct message mula sa aktres.

Mensahe ni Maine: “Hi Janica! I might not know you (and Franco) personally but I really want to send you a message just to say that you are both lucky to have each other. Just by looking at your IG feed, naiinlove ako sa photos and videos niyo together. Such a beautiful couple! I know he’s always around to look after you! Stay strong!”
 
Nagpasalamat naman si Janica sa naging mensahe ng aktres na lumalabas sa karibal na programa ng "It's Showtime."

Matatandaang pumanaw si Franco noong Nobyembre 11 sa Davao Occidental.

Nalunod ang aktor matapos mahulog sa motorized banca na sinasakyan kasama ang nobyang si Janica at kapwa miyembro ng Hashtags na si Tom Doromal.