Luis, namanhikan na sa ama ni Jessy?

ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2017 10:14 PM | Updated as of Dec 21 2017 10:26 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Malamig ang simoy ng Pasko pero pinainit ni Jessy Mendiola ang social media sa mga bikini post niya sa beach mula sa nakaraang Boracay birthday trip.

 

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

Lalo namang naging memorable para kay Mendiola ang 25th birthday surprise dahil sa pagbisita ng kaniyang British-Lebanese na ama na matagal niyang hindi nakita. 

“First time niyang pumunta dito, I was 7 [years old]... Pumunta siya ulit, 5 years ago kasama ‘yung ate ko. Biglang pagdating niya ngayon natuwa ako. He made time for me,” kuwento niya. 

 

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

Nag-level up naman ang boyfriend niyang si Luis Manzano na naka-bonding pa ang kaniyang daddy.

“‘Yung dad ko sobrang joker din. Pagka nagkikita silang dalawa, wala na silang ginawa kundi mag-joke,” aniya. 

Dahil dito, naitanong si Mendiola kung namanhikan na rin ba si Manzano.

“Niloloko na nga nila ako. My dad kasi, he's a believer of… siya kasi parang 'oh, you're turning 25. Do you know the Lebanese way? They get married at 25...' So bigla 'kong nagulat. Sabi ko 'wait, no, I have so much to do,'” sagot niya. 

Hindi naman itinanggi ni Mendiola na laging nagpaparinig sa kaniya si Manzano na aminadong ready nang mag-settle down.

“Every day pinapa-obvious niya sa'kin na 'ready na 'ko.' I think that's one way of showing his love for me na he's patiently waiting,” kuwento niya. 

Hindi mamimili si Mediola sa trabaho o pag-ibig lalo’t si Manzano ang kinakapitan niyang lakas para ipagpatuloy ang mga pangarap sa career.

“There are things in life na hindi mo mapagpapalit sa career, di ba? I can whip it up again and I'm taking my time... I'm really thankful for strength and love that my family, my friends, si Luis, na binibigay sa ’kin. It's a blessing for me,” aniya.

Wala pa man ang wedding bells para sa 2018 umaasa siyang magiging pasabog ang career niya sa darating na taon.

-- Ulat ni Marie Lozano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.