Mga carollers na apektado ng pandemya, binisita ng 'Iba 'Yan'

ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2020 09:20 PM

MAYNILA - Binisita ng aktres na si Angel Locsin at ng "Iba 'Yan" ang mga Christmas carollers ng San Sebastian Chamber Singers sa Maynila.

Kabilang ang mga carollers sa mga apektado ng pandemya dahil sa pagbabawal ng gobyerno sa pangangaroling.

Nakagawian na ng San Sebastian Chamber Singers ang pangangaroling para makatulong sa kapwa.

Kaya naman sa tulong ng mga donors, nagpaabot ng tulong ang Iba 'Yan sa miyembro ng choir.

Tutulungan rin ng Iba 'Yan ang grupo na makapag-record ng kanilang video para sa isang virtual carolling.

Panoorin ang kanilang kuwento rito.

Watch more on iWantTFC