Lotlot de Leon, inilarawan ang relasyon kay Nora Aunor

ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2018 07:49 PM

MAYNILA -- Matapos ang naging kasal sa long-time partner na si Fadi El Soury, naglabas ng saloobin ang aktres na si Lotlot de Leon sa social media tungkol sa pagbibigay malisya sa hindi pagdalo ng inang si Nora Aunor sa kanyang kasal.

Sa mahabang Instagram post, inilarawan ni Lotlot ang naging sakripisyo at pagmamahal sa kanya ni Nora na umampon at tumangkilik sa kanya na parang isang tunay na anak.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Balotski β˜€οΈπŸŒπŸ’« (@ms.lotlotdeleon) on

"Maraming beses ko pinag-isipan kung dapat pa ba akong magsalita tungkol sa mga personal na nangyayari sa amin ng mommy ko. Naisip ko na siguro dapat hindi na dahil may masabi man ako na maganda ay hahanapan pa din ako ng pagkakamali pero naisip ko na hindi ko naman ito ginagawa para sa iba kundi para sa akin at sa aking ina," pahayag ng aktres sa post.

Dito, binalikan din niya ang naging pagmamahal sa kanya ng kanyang lola na siyang tumangkilik sa kanya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Balotski β˜€οΈπŸŒπŸ’« (@ms.lotlotdeleon) on

"Maaga ko nalaman na ampon ako, 'ampon ni Nora' yan ang madalas ko naririnig nuon. Utang na loob ko ang buong buhay ko sa kanila ni lola. Sa mga hindi nakakaalam, ang tumanggap sa akin ay ang lola ko, siya ang dahilan kung bakit napunta ako sa kanila. Tinanggap nila ako ng buong puso. Nang magkakilala si mommy at daddy inako ako ng daddy ko at ginawang De Leon," patuloy ni Lotlot sa kanyang Instagram post.

Hindi man tunay na anak, hindi rin daw naramadaman ni Lotlot ang kakulangan sa pagmamahal sa kanya ni Nora.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Balotski β˜€οΈπŸŒπŸ’« (@ms.lotlotdeleon) on

"Ang mommy ko ang breadwinner sa pamilya, nagsumikap na i-ahon lahat ng mahal nya sa buhay. Nakasanayan naming magkakapatid na lagi siyang nagta-trabaho. My mom has been through a lot in her life. Nakita ko at witness ako sa lahat ng pinagdaanan nya. Matibay sya, kahit kailan hindi nya ipinakita sa aming magkakapatid na nawalan siya ng pag-asa sa buhay kahit alam namin na nasasaktan sya. She is the most generous person I know," aniya pa.

Bilang isang anak, pinuri din niya ang mga ginawang sakripisyo ng kanyang ina para sa kanilang magkakapatid.

"Pagdating sa relasyon namin sa kanya, mommy siya. She tried her best to do her duties as a present mom. Nung nagkapamilya ako tsaka ko lang naintindihan ang mga payo at sakripsyo na ginawa din nya. Kaya lahat din ng kaya ko, binigay ko. Lagi nyang bilin magmahalan kami magkakapatid at yun ay ginawa ko sa abot ng aking makakaya. Hindi ko na ididitelaye ang mga kaganapan sa buhay namin," Sabi pa niya.

Bahagi din ng mahabang post ni Lotlot, ang pagmamahal niya sa kanyang ina na hinding hindi magbabago kailanman.

"Pero kung may tao mang importante na gusto ko din maging bahagi sa mahahalang okasyon sa buhay ko at buhay ng mga anak ko ay siya. May mga bagay na mahirap ipaliwanag pero sa isang parte lang ako sigurado. Mahal ko siya at alam ko mahal niya din ako, kami ng mga kapatid ko. At kahit ano pa sabihin ng kung sino kami ang magkapamilya, kami ng mga kapatid ko at siya, at walang sino man ang makapagbabago duon," pahayag pa ng aktres.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.