PatrolPH

Ilang Kapamilya stars ibinahagi ang kanilang holiday plans

ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2018 06:58 PM | Updated as of Dec 20 2018 09:14 PM

Watch more on iWantTFC

Ibinahagi ng ilang Kapamilya stars ang kanilang mga plano ngayong holiday season.

Kung may mga celebrity na makapagpapahinga kasama ang mga mahal sa buhay, mayroon ding ilan sa kanila na tuloy ang pagkayod, gaya ng "Halik" star na si Yam Concepcion.

Matapos ma-extend ang top-rating seryeng "Halik" hanggang Marso 2019, kanselado muna ang mga planong bakasyon ni Concepcion, kuwento mismo ng aktres.

"Wala na munang bakasyon. Cancel na muna, work, work, work," ani Concepcion sa panayam ng ABS-CBN News.

"'Yong US trip ko, oo, na-cancel 'yon. That's basically it, my family time," dagdag ng aktres.

Hindi pa rin tiyak ang holiday plans ni Angel Locsin pero hangad daw niyang makasama ang pamilya, partikular ang ama.

"Dapat sa bahay lang pero parang ngayon, not sure. Si daddy kasi parang iniisip magbakasyon so depende pa rin sa daddy ko kung ano gusto niya," ani Locsin.

Para sa 2019, bibida si Locsin sa seryeng "The General's Daughter."

Magiging abala rin ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez sa susunod na taon kaya minabuti muna niyang magpahinga sa holidays sa Japan.

"I think we're going to Japan," ani Velasquez, na sasabak bilang judge sa talent competition na "Idol Philippines."

--Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.