PatrolPH

Romnick Sarmenta, nagpasalamat sa suporta ng anak

ABS-CBN News

Posted at Dec 19 2018 11:27 AM

Watch more on iWantTFC

MANILA -- Nagpasalamat ang aktor na si Romnick Sarmenta sa anak na si Zeke sa suportang ibinibigay sa kanya nang maghiwalay sila ng asawang si Harlene Bautista.

Sa pagbisita ng mag-ama sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, puno ng pagmamahal ang naging pasasalamat ni Romnick sa kanyang babaeng anak.

"I think especially the past number of months, I told her several times, 'You know, ikaw 'yung nasasandalan ko.' And I don't know if I'm going to ever thank you enough na nandiyan ka," ani Romnick.

"It's weird na ikaw 'yung sumusuporta sa akin but I just wanted to let you know and I will always say this na I'm so blessed and I'm so proud to have you as my daughter," ani Romnick.

Para naman kay Zeke, hindi kailanman mababago ang pagmamahal at suporta niya sa ama.

Hiling rin niya ang magandang kalusugan at nag-uumapaw na kasiyahan para aktor.

Oktubre nitong taon nang ianunsiyo nina Romnick at Harlene ang kanilang paghihiwalay. Hindi nagbigay ang dalawa ng detalye kung ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan na tumapos sa 19 na taon nilang pagsasasama.

Ngayong Kapaskuhan, makakasama ni Romnick ang kanyang limang anak sa araw mismo ng Pasko.

"We've made arrangements kung paano namin gagawin 'yung Christmas namin. Sabi ko 'yung mga bata ang tanungin natin kung paano nila gawin ang Paskong ito para kumportable sila at mangyari ang gusto nilang mangyari. So we are going to be together on the 25th kami ng mga bata," ani Romnick na iginiit ang pagmamahal sa mga anak na biyaya sa kanyang buhay.

"Ako sa dinami-dami ng blessings na natanggap ko sa buhay ko, iba rin silang lima. I watched them grow and I will always want what is best for them," ani Romnick.

Nito lamang Nobyembre ay naging emosyonal si Romnick sa naging pagbisita niya sa "Magandang Buhay" nang magbahagi siya tungkol sa kanyang buhay bilang isang ama.

Aniya, bilang ama ay nais lang niya na palaging nariyan para sa kanyang mga anak.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.