Jessy Mendiola, naluha dahil kay Vilma Santos

ABS-CBN News

Posted at Dec 18 2018 12:15 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Inamin ng batikang aktres na si Vilma Santos na naiinip na siya na maging manugang si Jessy Mendiola, nobya ng panganay niyang anak na si Luis Manzano.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes via phone patch, ibinahagi ni Vilma ang saloobin sa relasyon nina Luis at Jessy.

"Siyempre naiinip na rin ako dahil ang feeling ko kung 'yun ay para sa kanilang dalawa sana ay go na. Pero at the end of the day, uulitin ko lang, ang huling magdedesisyon ay silang dalawa, kasi silang dalawa ang magsasama. Pero kung silang dalawa naman, sana matuloy na," ani Vilma.

Ayon kay Vilma, nakikita niyang nagkakasundo naman ang kanyang anak at si Jessy.

"Siguro sa tingin ko every time they are here with me sa lahat nang kalokohan ng anak ko, ang unang-unang tumatawa si Jessy. Kapag magkasama sila, cool lang naman si Jessy. She has a very charming personality. So, siguro kahit paano nagsa-swak 'yung character nilang dalawang ng anak kong si Lucky. Kasi si Lucky, let's face it ilang taon na rin ang anak ko, 37. Jessy is 26. So mayroon silang age gap. So, siguro 'yung age na 'yon, 'yung in between ay nagko-compliment sila sa isa't isa. I think doon silang dalawa nagki-click," ani Vilma.

Nang hingin naman ang payo ni Vilma para kay Jessy pagdating sa pag-ibig, ani Vilma: "I know love is very important pero palagay ko siguro, sa experience ko lang, ang pinaka-importante ay 'yung respeto muna. You really have to respect your partner. There's no such thing as adjustment period. The whole time of the relationship ay adjust kayo ng adjust sa isa't isa. Kailangan nagsusuportahan kayo kasi habang tumatagal ay nag-iiba-iba ang ugali niyo. Iba na rin kapag may anak, iba na rin kapag nagka-edad. So, talagang dapat adjust ng adjust. Pero babagsak pa rin yon: respeto sa partner mo."

Pasasalamat naman ang ibinigay ni Jessy kay Vilma na tinatawag na rin niyang "Momski."

"Momski, thank you po sa pagmamahal. Tuwing nandiyan ako sa inyo ay palagi niyo akong niyayakap at palagi niyo akong sinasabihan ng advice. Thank you lang po. Sobrang bait niyo lang po. I hope to see you very soon, miss ka na po namin. I love you Momski," ani Jessy.

Tuluyan namang lumuha si Jessy nang nakiusap si Vilma sa mga manonood na suportahan ang pelikula ni Jessy na "The Girl In The Orange Dress."

"Sa lahat naman puwede bang mag-imbita. Sana ay mapanood niyo naman si Jessy kasi sometimes minsan mahirap na maghusga tayo sa tao dahil lang sa nakikita natin, ang importante ay kilalanin niyo muna ang tao. At kapag sinuportahan niyo si Jessy, tandaan niyo sasabihin ko hindi kayo magsisisi. So good luck," ani Vilma.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.