PatrolPH

Jerome Ponce ng 'OTLUM', handa nang manakot ngayong Pasko

ABS-CBN News

Posted at Dec 18 2018 01:39 PM | Updated as of Dec 18 2018 01:53 PM

MAYNILA -- Positibo ang Kapamilya actor na si Jerome Ponce na magiging maganda ang pagtangkilik sa kanilang pelikulang "OTLUM" na isa sa mga kalahok sa 2018 Metro Manila Festival Film Festival (MMFF). 

Ang "OTLUM" ay isang horror film na pinagbibidahan nina Jerome, Buboy Villar, Vitto Marquez, Michelle Vito, Danzel Fernandez, at Ricci Rivero.

 

Kuwento ni Jerome sa media launch ng pelikula, lalaban ang "OTLUM" sa malalaking kalahok din sa MMFF.

"May mga taong gusto rin matakot," tugon ng aktor sa press. 

Pero paliwanag niya: "Lahat naman 'yan kailangan natin tangkilikin, Pilipino movies 'yan e. Ibig ko sabihin ko kaysa naman ang foreign films ang unahin natin, ang sa 'kin unahin muna natin ang sa 'tin."

Paglilinaw ni Jerome, hindi niya nakikitang kompetisyon ang mga kasabay na pelikula sa MMFF.

"Kasi kahit naman ako hindi ko ipagkakaila na panonoorin ko din naman 'yung ibang pelikula bilang suporta din naman po sa iba. No judgment, kasi pinaghirapan po din nila ang proyekto," pahayag pa ng aktor.

Sa darating na Pasko, opisyal na mapapanood ang "OTLUM" at iba pang pelikulang kalahok sa 2018 MMFF.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.