PatrolPH

Maja Salvador, may tip para sa masayang love life

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Dec 17 2019 11:36 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA -- Inaabangan at kinakapitan ng mga manonood gabi-gabi ang mga eksena sa sikat na seryeng "The Killer Bride."

Pinangungunahan ito ni Maja Salvador na nababansagan nang "superstar" ang level sa galing ng kanyang pagganap.

Dito naging humble si Maja sa kanyang reaksyon.

"Grabe po 'yung ibinibigay nila sa akin na mga projects. Tapos parang sila sinasabi nila na superstar nga raw pero hindi ko alam bakit hindi ko ma-feel," ani Maja.
 
Sa personal namang buhay, inspirado si Maja ngayon sa boyfriend na si Rambo Nuñez. Kaya't nagbigay siya ng tip para sa mas masayang love life at pagkilala sa makakasama sa buhay.
 
"Siyempre kikilatisin mo pero kapag mahal mo, mahal mo. Hindi mo naman kailangang baguhin. Nasa sa iyo 'yan. At the end of the day kung masaya ka, masaya ka," ani Maja.
 
Napapanood ang "The Killer Bride" gabi-gabi sa ABS-CBN.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.