PatrolPH

Jane de Leon, ibinahagi ang mga sakripisyo para sa Darna

ABS-CBN News

Posted at Dec 17 2019 12:04 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA -- Ibinahagi ni Jane de Leon ang mga sakripisyo para sa pelikulang "Darna."

Ayon kay Jane, binigyang prayoridad niya ang mga paghahanda kaya hindi siya makapaglaan ng oras sa pamilya at maging sa sarili.

Aminado si Jane na naiiyak siya sa hirap ng role pero hindi siya sumusuko lalo't alam niyang malalagpasan niya ito.

Para kay Jane, ang "Darna" ang katapuran ng kanyang ipinagdarasal na mabigyan siya ng malaking break sa showbiz.

-- Umagang Kay Ganda, Disyembre 17, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.