Direktor at producer ng Korean version ng 'Miracle In Cell No. 7, dumalo sa premiere ng pelikula

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Dec 17 2019 11:46 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Espesyal ang naging red carpet premiere ng 2019 Metro Manila Film Festival movie na "Miracle In Cell No. 7" na pinagbibidahan ni Aga Muhlach.

Ito ay dahil dumating mula Korea ang director na si Lee Hwan-kyung at producer na sina Kim Min-ki ng Korean version ng pelikula.

Kinakabahan si Aga pero proud dahil maganda ang nabuo nilang Pinoy version ng kuwento.

Ayon sa direktor, sa trailer pa lang ay napaluha na siya sa pelikulang pinagbibidahan ni Aga.

"Thank you for doing the movie, thank you for producing it, thank you," ani Aga.

Dagdag pa ni Aga na sana ay mabigyan din siya ng pagkakataon na makatrabaho ang Korean filmmaker.
 
"I hope also to work with him to direct me one day," ani Aga.

At sakali na magkaroon ng project, suggestion ni Aga na orihinal ang kuwento mula sa Pilipinas at gagawan naman ng Korean version.
 
"To do an original for the Philippines and for Korea. We start first here and then we will show it in Korea also," ani Aga. 
 
Ipapalabas ang "Miracle In Cell No. 7" sa Disyembre 25.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.