Charlene Gonzalez, suportado ang pagbabalik ng 'The Buzz' | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Charlene Gonzalez, suportado ang pagbabalik ng 'The Buzz'

Charlene Gonzalez, suportado ang pagbabalik ng 'The Buzz'

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 17, 2019 07:20 PM PHT

Clipboard


MAYNILA -- Isa si Charlene Gonzalez sa mga nagpahayag ng kaniyang suporta sa napipintong pagbabalik "The Buzz."

Kasunod ito nang naging pagbisita ni Toni Gonzaga sa "Tonight With Boy Abunda" kung saan napag-usapan ang maugong na pagbabalik ng weekly afternoon entertainment talk show program.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"You know anytime that I get the opportunity, whatever show it may be, to work with Tito Boy [Abunda] and Toni [Gonzaga] again, kahit anong show 'yan, gagawin ko," sabi ni Charlene sa panayam sa premiere night ng "Miracle in Cell No. 7" kung saan nagbigay suporta siya sa asawang si Aga Muhlach.

Ayon pa sa dating beauty queen at TV host, mahal na mahal niya sina Boy at Toni na nakasama noon sa "The Buzz" na huling napanood sa telebisyon noong 2015.

ADVERTISEMENT

"Mahal na mahal ko sila, they're such a talented people. I would love to work with them kahit anong show 'yan," pahayag pa niya.

Bukod kay Charlene, naging bahagi rin ng 15 taon ng programa sina Ruffa Gutierrez, Gretchen Barretto, KC Concepcion at Kris Aquino.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.