Alessandra de Rossi, bibida sa 'MMK'

ABS-CBN News

Posted at Dec 17 2019 11:17 AM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MMKOfficial (@mmkofficial) on

MAYNILA -- Bibida ang aktres na si Alessandra de Rossi sa isang espesyal na episode ng "Maalaala Mo Kaya" ngayong Sabado.

Gagampanan ni Alessandra ang karakter ni Emma, isang anak ng magsasaka na pangarap na maiba ang kinalakihang buhay sa kabila nang pagtutol ng kanyang ama (Ronnie Lazaro).

Sa direksiyon ni FM Reyes at panulat ni Michael A. Transfiguracion, mapapanood ang "MMK" tampok si Alessandra ngayong Sabado, Disyembre 21, pagkatapos ng "Your Moment."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.