John Arcilla, naniniwalang 'napapanahon' ang tema ng bagong pelikula | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

Showbiz

John Arcilla, naniniwalang 'napapanahon' ang tema ng bagong pelikula

John Arcilla, naniniwalang 'napapanahon' ang tema ng bagong pelikula

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- "Napapanahon."

Ganito inilarawan ni John Arcilla ang kanyang pinagbibidahang pelikula na "Suarez: The Healing Priest."

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, nagbahagi si Arcilla ng ilang detalye tungkol sa kanyang pelikula na hango sa buhay ng sikat na "healing priest" na si Fr. Fernando Suarez, na pumanaw nito lamang Pebrero matapos atakihin sa puso.

"Nakakalungkot nga lang na before kaming matapos ng pelikula ay pumanaw siya. Pero ito ay tungkol sa kung paano niya pinanghawakan ang kanyang faith sa kabila ng controversies. Isang example na sa gitna ng mga pagsubok ay kumapit ka lang sa Diyos ay malalagpasan mo lahat... 'Yon ang pinakabuod ng istorya," ani Arcilla, na gaganap bilang si Fr. Suarez.

ADVERTISEMENT

Para sa aktor, napapanahon ang pelikula lalo't hinaharap ng mundo ang COVID-19 pandemic.

"Napaka-timely kasi lalo na ngayon na pandemic. Ang daming social unrest, ang daming calamities, mayroon tayong pandemic. So mas kailangan natin lalo na tumingin sa gitna natin, sa ating lahat, sino itong dapat nating panghawakan? Balikan natin ang ating pananampalataya and panghawakan natin ito para maka-survive tayo sa ganitong klaseng sitwasyon," aniya.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kasama ni Arcilla sa "Magandang Buhay" si Jin Macapagal, na gaganap bilang batang Fr. Suarez.

Aniya, may mga mapupulot na aral ang mga manonood mula sa pelikula.

"May dalawang stories din na mapupulutan natin ng aral. Kasi sa part na ako ang gumanap, it's more of finding his purpose in life. 'Yung kahit gaano mo i-deny na 'yun ang karapat-dapat sa iyo, darating talaga. Na if you are aligned with God and your faith with Him, talagang mapupunta ka kung saan pinaka-meaningful para sa iyo at purposeful para sa iyo," kuwento niya.

Ang "Suarez: The Healing Priest" ay isa sa 10 opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Mapapanood online ang mga kalahok sa MMFF 2020 sa Araw ng Pasko sa pamamagitan ng Upstream.ph.

Related video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.