Jake Cuenca, pinaghahandaan na ang 'next level' sa relasyon nila ni Kylie

ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2019 11:24 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Inspired ang aktor na si Jake Cuenca sa kanyang nobya na si Kylie Verzosa.

Ayon kay Jake, magandang impluwensiya ang beauty queen at aktres sa kanya. Kuwento pa ng aktor, supportive, loving at maalaga si Kylie.

Dagdag pa ni Jake, pinaghahandaan na niya ang 'next level' ng kanilang relasyon.

Bahagi si Jake ng 2019 Metro Manila Film Festival entry na "Mission Unstapabol: The Don Identity" na ipapalabas sa Pasko, December 25.

-- Umagang Kay Ganda, Disyembre 16, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.