Musika ni Jose Mari Chan tampok sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Dec 15 2019 02:38 PM | Updated as of Dec 15 2019 02:40 PM

Bukod sa kaniyang Christmas songs na pinatutugtog tuwing panahon ng Pasko, tumatak na rin sa maraming Pilipino ang mga love song ni Jose Mari Chan.

Watch more in iWantTFC

Binigyang-pugay ng Kapamilya singers ngayong Linggo sa "ASAP Natin 'To" si Chan sa pamamagitan ng pag-awit ng kaniyang mga kantang may kinalaman sa pag-ibig.

Nag-umpisa ang production number sa pag-awit ni Jose Mari Chan ng "Beautiful Girl." 

Tampok din sa number ang pagkanta ni Gary Valencinao ng "Can't We Just Stop And Talk A While," Angeline Quinto ng "Refrain," Erik Santos ng "Can't We Start Over Again," Ogie Alcasid ng "Deep in My Heart," Jona ng "Constant Change," at Regine Velasquez ng "Afraid for Love to Fade."

Sa huli, nagsama-sama ang Kapamilya singers at si Chan sa pagkanta ng "Christmas In Our Hearts."