Gary Valenciano, pinaghahandaan na ang huling major solo concert

ABS-CBN News

Posted at Dec 15 2019 06:55 PM | Updated as of Dec 16 2019 09:20 AM

MAYNILA -- Hindi naiwasan na maging emosyonal ni Gary Valenciano habang pinaghahandaan ang kaniyang last major concert na gaganapin sa Abril ng susunod na taon.

Sa retrato na ibinahagi sa Instagram ng panganay na anak ni Gary na si Paolo Valenciano, mahigpit na yakap ang ibinigay ng misis ni Gary na si Angeli Pangilinan para sa kaniyang mister habang naghahanda para sa kaniyang huling major concert.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Paolo Valenciano (@paolovalenciano) on

"This is what happens when you plan his last major concert," caption ni Paolo sa post.

Kasunod ng post ni Paolo, bumuhos ang pagkabigla ng malalapit na kaibigan ng pamilya Valenciano na tila nagulat sa naging anunsyo.

 

Agad naman na nilinaw ni Paolo ang kaniyang naging pahayag.

"Just to clarify... NOT the last GV concert. Just the last MAJOR solo production. We still have dream collaborations (GV/SG or GV/RVA). But let’s all remember, he turns 56 next year. As much as he would love to keep doing this, his health is now our priority. Thank you for all the support!" ani Paolo.

Matatandaan na noong 2018, sumailalaim sa heart surgery si Gary kasunod nang kaniyang pakikipaglaban sa kidney cancer na komplikasyon nang kaniyang sakit na diabetes.

 

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.