Coco, nagulat sa kissing scene nila ni Jennylyn Mercado sa MMFF entry

ABS-CBN News

Posted at Dec 15 2019 09:28 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on

MAYNILA -- Todo papuri ang aktor na si Coco Martin sa kaniyang leading lady sa pelikulang "3pol Dobol, Huli Ka Balbon" na si Jennylyn Mercado.

"Si Jen, [Jennylyn Mercado] honestly isa siya sa mga pinaka paborito kong nakatrabaho kasi napaka-professional, walang kaarte arte, walang karekla-reklamo, on time dumarating, basta andiyan lang siya," ayon kay Coco.

Watch more in iWant or TFC.tv

Aniya, kahit na unang beses pa lang sila magkasama sa isang proyekto, naramdaman niya agad ang respeto nito. Bilang direktor, bilib rin si Coco sa performance ni Jennylyn.
 
"Sabi ko nga po, napakabata kong nagdi-direct pero 'yung respeto hindi niya ipaparamdam sayo na 'uy pareho lang naman tayong artista e', siyempre nakakatuwa 'yun ay hindi ako naiilang na i-direk siya o ano pa man," sabi pa ng aktor.

"Maraming beses doon na i-surprise ka niya e. Yung eksena ng romance, nagulat ako nag-kiss kami e. Nahihiya kasi ako na i-approach kasi direktor ako and at the same time co-actor niya. Tapos sasabihin ko 'Uy Jen magki-kiss tayo dito ah?' Di ba parang ang awkward lang kasi lalaki ako, pero siya, game talaga. Walang keme nag-kiss kami para mapaganda ang pelikula." 

Bukod kay Jennylyn, kasama rin sa pelikula sina Ai Ai Delas Alas, Sam Milby, Isko Moreno at iba pa.

Mapapanood ang "3pol Dobol Huli Ka Balbon" at iba pang pelikula sa MMFF ngayong Disyembre 25.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.